17 Enero 2013

Pagdiriwang ng Kristong Hari: Pasasalamat ng Diyosesis ng Romblon



      Idinaos ang Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari noong nakaraang Nobyembre 26  sa buong Diyosesis ng Romblon bilang taunang pasasalamat ng mga mananampalataya sa buong taong bigay na mga biyaya ng Diyos. Marami ang nag-alay ng kanilang mga ani gaya ng palay, saging, kamote, kamoteng-kahoy, mga prutas, at sari’t-saring sariling produktong gulay. Marami din ang nag-alay kung wala silang sariling taniman ng cash, mga de-lata, noodles, sabon at iba pang mga produkto at gamit na nabibili sa tindahan.
       Sa Parokya ni San Jose, Kabiyak ng Mahal na Birhen, Looc, Romblon ay sinimulan ang pagdiriwang ng kapistahang ito sa pamamagitan ng prusisyon, sinundan ng banal na misa at sa huli ay nagkaroon ng kaunting kasiyahan sa pamamagitan ng “bingo social”.  Naging mahaba ang pila ng mga nag-aalay sa loob ng misa sapagkat dala-dala ng mga mananampalataya ang kanilang mga alay-pasasalamat sa Panginoon. Pagkatapos ng misa, halos lahat ay naging masigla sa pagsisimula ng bingo-social at masayang naghihiyawan pa habang naglalaro. Marami ang nagsabing “nakapaglaro ka na, katatulong ka pa…sa simbahan”, ang wika ng karamihang umuuwing nakangiti at ang iba nama’y umuwing dala ang kanilang mga pinanalunan.
        Sa halos parehong pagkakasunod-sunod ng daloy ng talatakdaan ay ipinagdiwang din sa iba’t-ibang mga parokya ang kapistahang ito lalong-lalo na sa Parokya ni San Vicente Ferrer, Odiongan, Romblon. Sa kabila ng maayos na kapi-kapilyang pagtawag para sa pag-aalay ay halos tumagal pa rin ng kalahating oras at marami pa ang mga naghahabol upang ibigay ang kanilang mga alay.
Ang ating mga kaparian din sa seminaryo ay bumaba sa bayan upang makiisa sa napakahalagang pagdiriwang na ito ng ating simbahan upang bigyang halaga ang pagiging Hari ng ating Manunubos, si Hesukristo.
         Kasabay ng selebrasyong ito, ay inilunsad din sa buong Diyosesis ang pagbubukas para sa taon ng pananampataya o tinatawag natin sa Inglés na “Year of Faith” na nagsimula sa ating Diyoses ngayong taon (2012), Nobyembre 25 hanggang sa susunod na taon (2013), Nobyembre 24. Ang pangkalahatang pagdiriwang na ito ay ipinahayag ng ating Papa, Beneto XVI, kasabay ng  paglathala ng kanyang Sulat Apostoliko, “Porta Fedei” noong ika-11 ng Oktubre 2011.


25 Mayo 2011

Pope appoints Bishop Cor new bishop of Kalibo diocese
MANILA, May, 25, 2011―The Holy Father on Wednesday has appointed Bishop Jose Corazon Tala-oc as the new head of the Diocese of Kalibo in Aklan province.

A native of Aklan, Tala-oc was the bishop of the island province of Romblon prior to being named in his new post.
His appointment was announced at the Vatican on May 25 at 12:00 noon (6:00 pm, Manila time).

A staunch advocate of the environment, Tala-oc has been very vocal against mining activities in Romblon province, especially in scenic Sibuyan island.

In a multi-sectoral gathering held in Romblon during the 16th anniversary of Mining Act 1995, Tala-oc rallied the people to become “faithful stewards of creation” asserting that taking care of the environment is a moral intergenerational responsibility.”

Born on June 16, 1950, in Tagas, Aklan, Tala-oc finished his philosophy at the St. Pius X Seminary in Roxas City and theology at the University of Sto. Tomas’s Central Seminary. He was ordained a priest on April 9, 1979. Pope John Paul II appointed him to the episcopacy on June 11, 2003, and was installed as 4th Bishop of Romblon on Sept. 3, 2003.

Tala-oc will take over the post vacated by Bishop Jose Romeo Lazo who in July 21, 2009, was appointed bishop of San Jose de Antique.

Since then, Kalibo has been under the care of Fr. Ulysses Dalida, who was appointed administrator of the diocese pending appointment of a new ordinary.

No date yet has been set for the installation of the new bishop. (CBCPNews)


The letter from the Apostolic Nunciature in Manila was read by Bishop Cor himself after the 5PM Mass and blessing of the new Adoration Chapel of St. Joseph Cathedral in Romblon, Romblon attended by the Collage of Consultors and a large number of parishioners.