11 Hulyo 2007

6 Nagtapos ng Teolohiya


Anim na seminarista ng Romblon ang matagumpay na nagtapos ng Teolohiya sa taong ito mula sa dalawang seminaryo. Sa seminaryo ng St. Joseph Regional Seminary (SJRS) sa Jaro, Iloilo City ay nagtapos sina Sem. Elizalde Rafol ng Our Lady of Remedies Parish España, San Fernando, Romblon at si Sem. Norman Rabino ng Sta. Barbara Parish ng Cajidiocan, Romblon noong Marso 19, 2007 sa isang simpleng pagdiriwang na ginanap sa kapilya ng SJRS pagkatapos ng banal na Misa na pinangunahan ni Archbishop Angel Lagdameo, Archbishop ng Jaro. Sa pagdiriwang ding iyon tinanggap nina Sem. Errol Fopalan, Sem. Lee Anthony Regala at Sem. Runel Relucio ang atas bilang mga Lector ng Simbahan.
Sa seminaryo ng St. Augustine Major Seminary (SASMA) sa Calapan, Oriental Mindoro ay nagtapos din sa kursong teolohiya sina Sem. Alfredo Recto (Magna Cum Laude) ng Our Lady of Immaculate Conception Parish sa Santa Maria, Romblon, Sem. Noel Sixon ng St. Michael the Archangel Parish ng Calatrava, Romblon, Sem. Ronald Caugiran ng St. Therese of the Child Jesus Parish ng Lumbang, Cajiocan, Romblon at Sem. Ethelbert Magbata (Cum Laude) ng St. Joseph the Worker Parish ng Corcuera, Romblon sa isa ding simpleng pagdiriwang na ginanap sa Divine Word Seminary kung saan sila nag-aaral. Matagumpay nilang natapos ang kursong Teolohiya na may Masteral Dergee sa Pastoral Ministry. Ang SASMA ay isang tahanan ng mga seminarista ng Vicariato ng Calapan na kung saan ang ilang seminarista para sa teolohiya ay kanilang tinatanggap upang makipamuhay sa kanila at makapag-aaral sa Divine Word Seminary na pinamamahalaan ng mga pari na SVD.

Meron ding apat na nagtapos ng Pilosopiya sa ating sariling seminaryo sa San Lorenzo Ruiz Semianry sa Odiongan, Romblon noong ika 21 ng Marso. Sila ay sina Sem. Carlito Candido ng St. Isidore the Worker Parish sa Guinbirayan, Santa Fe, Romblon, Sem. Walter Mallen ng St. Jude Parish sa Alegria, Corcuera, Romblon, Sem. Joseph Andrew Rovira ng Sto. Niño Parish ng Danao, Cajidiocan, Romblon at Sem. Allan Christopher Montojo ng Our Lady of Mt. Carmel Parish ng Carmen, San Agustin, Romblon. Si Sem. Joseph Andrew Rovira ang tumanggap ng Rector’s Award bilang pinakamataas na ginagawad naparangal sa nagtatapos sa seminaryo. Ang pagtatapos sa SLRS ay pinangunahan ni Bishop Cor kasama ang rector ng seminaryo na si Fr. Noel Ancheta, Fr. Cesar Marin ang spiritual director, Fr. Aristeo Royo ang treasurer ng seminaryo, si Fr. Melvin Fetizanan ang Prefect of Studies at kasama ng mga paring nagtuturo sa seminaryo at mga laikong voluntaryong nag-lalaan ng kanilang panahon sa pagtuturo sa mga seminarista. Ito ang panlimang pagtatapos sa SLRS. Naging masaya ang pagtitipon kasama ang mga magulang at mga benefactors ng mga seminarista at mga parokyano ng Odiongan at karatig bayan.

Samantala sa UST Central Seminary sa Manila naman ay tumanggap ng paghirang bilang Lector si Sem. Ricky Joe Noble ng St. Augustine Parish ng San Agustin, Romblon. Siya ay nasa ika-lawang taon ng pag-aaral sa teolohiya sa naturang seminaryo.

Walang komento: